At nandito na uli ako sa Pilipinas.
Nitong mga huling araw, nagpunta ako sa Nepal bilang delegado ng LFS sa Asia Pacific Youth Camp on Education and Employment ng Asian Students Association, na hinost ng All Nepal National Free Students Union.
Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako sa Pilipinas, malayo sa aking mga kasama sa LFS, kay Olga, at sa mga kasama.
Magkahalong eksaytment at kaba ang aking nararamdaman nang magtake-off ang eroplano sa NAIA, maglanding sa Thailand, magtake-off muli mula Thailand (matapos ang labinlimang oras ng pamamalagi ko sa Bangkok Airport), at maglanding sa bansa kung saan ipinanganak si Buddha at kung saan bumababa ang mga aakyat ng Everest at Himalayas, ang Nepal.
Labinlima ang mga Internasyunal na delegado, Pilipinas, Bangladesh, Burma (Myanmar), Pakistan, Hongkong, Malaysia, India (mga Indigenous People ng India, Naga at Zomi). Malaki rin ang nakibahaging participant ng ANNFSU.
Akala ko dati, malamig ang Baguio. Nagbago ang pananaw ko sa kung ano ang malamig pagdating sa Nepal. Umaabot sa baba ng 0 (as in Zero) ang temperatura rito kapag gabi. Ganoon kalamig. Hindi mo na mararamdaman ang iyong mga daliri at manginginig ka pa rin kahit limang patong na ng damit ang suot mo. Mamumulikat ka rin sa lamig.
Buti na lamang, nakakapaso sa anghang ang mga pagkain. Hindi lang minsan na napaluha ako sa anghang.
Sa pagbyahe papuntang International Convention Center ng Nepal kung saan gaganapin ang Opening Program ng Youth Camp, hinabol kami ng tatlong bus na puno ng mga estudyanteng naghihiyawan, kumakaway, ang ilan, mayroon pang iwinawagayway na pulang bandila. Sila ang kasapi ng ANNFSU na nagmobilize upang makiisa sa aming Opening Program. Sabi nga ni Rey ng ASA, magitla na lang ang walang kilusan! :)

Matapos ang Opening Program, nagpunta na kami sa Hotel Mirabel, Dhulikel, labas ng Kathmandu para sa venue ng aming youth camp. Gabi kami dumating, nagyeyelo na sa lamig. Buti na lang, may milktea at heater sa aming kuwarto. Sa dilim, napansin na naming maganda ang venue. "Five star Hotel siguro ito," sa isip namin. Subalit kinaumagahan, nagulat na lamang kami... Hindi pa pala ang hotel mismo ang kailangang ipagyabang, kundi ang view. Mula sa bintana ng kuwarto namin ay ang Himalayas, ang bubong ng mundo!
Matapos ang masarap ngunit maanghang na agahan, simula na ng pormal na sesyon ng Camp. Talakayan sa kalagayan ng Edukasyon at Empleyo sa buong rehiyon ng Asya at Pasipiko.
Komersyalisado. kolonyal. Eletista. Represibo. Batay sa ulat ng mga delegado, ganito ang katangian ng edukasyon sa kanilang bansa. Pamilyar? Malamang pagka't ganito rin naman ang dominanteng sistema ng edukasyon na umiiral dito sa Pilipinas. Sa ilalim ng mga pakana ng imperyalismo at neoliberal na globalisasyon (na pakana rin ng imperyalismo), parami nang parami ang bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral. Malaki ang problema sa usapin ng akses sa edukasyon sa buong rehiyon.
Problema rin ang kalidad at kurikulum sa mga paaralan. Sa Pakistan halimbawa, na kumakaharap sa sistema ng edukasyong fundamentalista, sinasabi ng kanilang mga guro sa Kasaysayan at Biology nqa "Listen, but don't belive."
Sa Burma naman, kapag pag-uusapan na ang demokrasya, kailangan pang isara ng mga guro ang bintana at pintuan ng kanilang paaralan sa takot na marinig ng mga elemento ng militar at estado.
Pataas nang pataas ang bilang ng mga kakulangan sa klasrum, textbuk, guro at iba pang pasilidad, kasabay ng pababa nang pababang subsidyo na natatanggap ng mga paaralan.
At kung makagradweyt ka naman, hindi pa tapos ang iyong problema pagkat lumalaki rin ang kakulangan ng desenteng empleyo sa mga bansa sa rehiyon. Laganap ang underemployment, kakulangan sa sahod, diskriminasyon, at unfair labor practice.
Dito ko nakita na ang mga isyung kinakaharap ng kabataan at mamamayan sa Pilipinas ay katulad at kaugnay ng mga kinakaharap ng ibang mga neokolonya ng imperyalismo. Kaya, mahalaga nga talagang makipagkaisa sa mga progresibong kilusan sa iba't ibang bansa. Subalit, sabi nga, ang pinakamalaking kontribusyong maibibigay natin sa pandaigdigang kilusan ay ang pagpapanalo ng sarili nating pakikibaka.
Matapos ng mgs workshop, sumama ako sa drafting committe ng camp upang buuin ang deklarasyon ng mga kabataan at estudyante sa Asia Pacific hinggil sa edukasyon at empleyo.
Matapos ang Youth Camp, balik na kami sa Kathmandu upang magshopping sa Thamel, ang tourist district ng Nepal na pinaghalong Divisoria at Malate, kung saan ka makakabili ng mga rare na libro, murang bags, statwa ni Buddha, at Buddhist Singing Bowls. Kailangan lang, marunong kang tumawad. Ang 600 rupees ay maaaring mapababa tungong 200 rupees. Lagpas kalahati. Mas mahusay siyempre kung may kasama kang lokal na puwedeng tumawad para sa iyo.
Bukod sa Thamel nakita ko rin ang kahirapan at kalagayan ng Nepal. Malaki na raw ang kanilang inunlad matapos matagumpay na maibagsak ng mamamayan ang mkonarkiyo noong 2006. Subalit, tiyak na mas malaki pa ang kailangang gawin upang mapaunlad ang kanilang bansa.
Hindi pa rin istable ang kanilang pulitika pagkat hindi pa nagaganap ang eleksyon ng kanilang Parlyamento at nananatiling isang interim government ang namumuno. Mayroon kasing stalemate ang mga pampulitikang partido sa kanilang bansa na natatakot mawalan ng kapangyarihan kapag naganap ang eleksyon.
Bago ako umalis, nagkaroon din ako ng pagkakataong makausap ang ilang kasapi ng ANNISUR, grupo ng mga kabataang Maoista sa Nepal. Isa sila sa pinakamatalas na kabataang nakausap ko sa Nepal at kanila ring naipaliwanag ang posisyon ng mga Maoista sa kanilang bansa.
Sa aking pagbalik sa Pilipinas, nakausap ko ang napakaraming Pilipino na pabalik ng bansa para sa Pasko. Ilan lamang sila sa halos sampung milyong OFW na nakikipagsapalaran sa dayuhang bansa para lamang kumita.
Ngayon, narito na ako. Wala na ang maaanghang na hapunan, mainit na milk tea, amoy ng insenso sa atmospera at ang pagbati ng Namaste (sabay magkadikit ang kamay, parang nagdadasal.)
Balik na ako sa bansa ng adobo, Mabuhay, at Pasko (sa pitong araw ko sa Nepal, isang Christmas Tree lang ang nakita ko. Buddhists, Hindus at Muslim kasi ang dominanteng relihiyon doon).
---
Para sa iba pang mga litrato, at para sa kopya ng deklarasyong tumulong ako sa pagdraft, pumunta sahttp://apstudes.blogspot.com/.
---
I-add ninyo ako sa Facebook
---
Nagbebenta pala ako ng Nepali bags. Ilang piraso lang ito! Bilis at bili na!
Namaste!
BMI

Went to Laguna for the weekend, for the Basic Masses Integration Program of the LFS.
First stop, with workers from Nestle who remain in a six-year strike after talks with the Nestle Cabuyao Management regarding the guidelines for their Collective Negotiations Agreement broke down in 2001. The issue: whether Retirement Benefits is a negotiable item on the CBA. In 1991, the Supreme Court has already made a decision that the said benefit IS a negotiable item. In 2006, that decision has been reaffirmed by the High Court, ordering that the Union and the Nestle Management resume negotiations.
However, Nestle is yet to face the workers. The factory in Laguna has resumed operations, with less experienced contractual workers. The Union was only able to hold the gates and paralyze factory operations for a month, as they had to face not only the Union, but the combined force of the Department of Labor and Employment (DOLE), the Philippine National Police, and the Armed Forces of the Philippines.
The DOLE, released an Assumption of Jurisdiction (AJ) order, authorizing the Secretary of DOLE (Particia Sta. Tanas) to use the police to break the picket line of the workers and order them to return to work. The DOLE justified their actions by saying that the strike was against national interest. After all, Nestle is one of the biggest corporations that invest here in the Philippines. But the experience not only of the Nestle workers but others that I have been able to talk to say that the AJ has always been used against workers, revealing the reality that government agencies serve the few and the powerful.
Incidentally, last Saturday, February 22 was the second-year anniversary of the slay of Nestle Workers Union President Diosdado "Ka Fort" Fortuna. He is the 11th Nestle worker leader to be killed around the world, which means that his death is not an isolated case but is actually a practice of the multinational corporation to prevent dissent from its workers. He is also the second Nestle workers union president to be killed here in the Philippines, after the who preceded him.
As the Nestle workers slogan goes, "There's blood in your coffee."
I never really was faithful to the Nestle Boycott campaign. Though I try to be conscious of what I buy, Boycotting all Nestle products (that number at 8,000 brand names) has been difficult, partly due to convenience (when you need food, there's always a Nestle product in a store near you). But after meeting Nestle workers, I have made a personal decision to be resolute at living a Nestle-free life. I hope you do too.
---
After Nestle, we spent the Night and the following day at a community of rural workers, those that belong to the lowest strata of the lowest strata in the social triangle. (Maralitang magsasaka).
At Tatay Elizer's house, before going to sleep, we found out that we are not the first visitors to their community, that many have long been their adopted children as exposurees.
In the morning, we woke up early, had a discussion of the situationer of the community, then removed our slippers to go to the farm and help in the harvesting of rice. Though the locals made it look simple, using a sickle efficiently and safely is very difficult. My little finger has a wound after being scraped by a sickle. Under the piercing heat of the sun, wearing nothing but a shirt and shorts, we caught a practical glimpse of how difficult it is to be peasant.
And that was just the physical aspect of it. The economic and political aspect, I can only imagine. As a petty-B from a family that is relatively well-to-do, I have always been sheltered from the difficulties of living. The biggest problem I had recently was if I can deliver a report in class. But the people there, and the many other peasants in the country can't even send their kids to school or bring food to the table.
After the harvest, the Petty-B me exclaimed, "And suwerte ko pala't naging Peti-B ako, 'di ko nararanasan ang ganitong hirap araw-araw."
To which Venzer replied, "Anong suwerte? Malas ka kasi wala kang alam."
Harsh as it sounds, the realization dawned on me. What do I know? Apart from what I read in books, hear in class, and live in a life conditioned by the illusions made by state ideological establishments,what do I know?
I'm just learning. A little at a time. In the streets, in discussion groups, in alternative forums, in talking with the people, I learn.
To quote Pablo Neruda,
I learned about life
from life itself,
love I learned in a single kiss
and could teach no one anything
except that I have lived
with something in common among men,
when fighting with them,
when saying all their say in my song.
---
Here is a statement I made at our propaganda writing workshop during the BMI.
The assignment: write a statement that shall make a reader end buying Nestle products.
Hintayin na kumulo. 'Yung nakakapaso. Pero kahit anong sakit na maramdaman mo kapag isinawsaw mo ang daliri mo, hindi pa rin nito matatapatan ang sakit mula sa batuta ng police o tubig mula sa water cannon na naranasan ng mga manggagawa ng Nestle sa kanilang strike laban sa management.
2. Ihalo ang Isang kutsarang kape.
'Yung mabango. Masarap 'yung frothe o kaya'y Hazelnut flavor. Pero kahit mabango ito, hindi pa rin nito mapagtatakpan ang sangsang ng amoy ng korporasyong ayaw makipag-usap sa mga manggagawa. Kahit makatarungan at nararapat ang kanilang ipinaglalaban. Kahit dalawang beses nang sinabi ng Korte Suprema noong 1991 at 2006 na isang negotiable item ang retirement benefits sa Collective Bargaining Agreement. Ang pagpupumilit kasi ng gahamang Nestle na hindi maaaring pag-usapan ang nasabing benepisyo sa CBA ang dahilan kung bakit nagstrike ang mga manggagawa.
3. Ihalo ang asukal batay sa panlasa.
Pero kahit gaano karaming kutsara ng asukal ang pa ang ilagay mo, mananatili pa ring mapait ang karanasan ng mga manggagawa na pinaslangan ng isang lider upang sila ay matakot, manahimik, at iatras ang laban. Dalawang taon na mula nang patayin ng berdugong Nestle si Diosdado "Ka Fort" Fortuna, tagapangulo ng kanilang unyon. Hanggang ngayon, mailap pa rin ang hustisya sa kanyang kamatayan.
4. Haluin.
Sa labor dispute sa pagitan ng Nestle workers at ng Nestle Management, nakikihalo ang Department of Labor and Employment, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Municipal Trial Court ng Laguna. Pero sa halip na ipagtanggol ng mga ahensyang ito ang karapatan ng mga manggagawa, ginagamit pa nila ang dahas at batas ng estado upang masunod ang nais ng Management. Kung anu-anong gawa-gawang kaso ang hinaharap ng mga lider ng unyon. Sila pa ang masama at terorista sa mata ng gobyernong napatunayan nag nabibili ng dayuhan at nagsisilbi sa kanilang interes.
5. Inumin.
'Yan ay kung matitiis pa ng iyong sikmura ang Nescafe, na sa likod ng kanilang magarbong advertisements ay ang katotohanang pumapatay sila ng mga manggagawa. Mabuti pa, tigilan mo na ang pagbili mo ng Nestle products. Ito na ang suportang iyong maibibigay sa mga manggagawa ng Nestle na sa kabila ng hirap na kanilang dinaranas sa kamay ng Nestle at ng sabwatang DOLE-PNP-AFP-MTC ay patuloy pa rin sa pakikipaglaban para sa kanilang karapatan.
Boycott all Nestle products!
Justice for Ka Fort!