raprotesta!

To everyone who was unable to catch my launching career as a rap artist, the video can now be watched, courtesy of studentstrike.

Now, if you want to sing along, here are the lyrics. :)

Download the original attachment

I
Noon pa lang lagi ng nagtatanong
Bakit ba ang bayan ay hindi sumusulong
Nasan na ang pangako ng pag-unlad?
Ekonomiya ng bansa, patuloy na sumasadsad

II
Pamahal nang pamahal bayarin sa pamantasan
Dahil sa maliit na pondo na nilalaan
Ang edukasyon, iba pang serbisyong panlipunan
Ipinagkakait sa atin ng pamahalaan

III
Maraming sikmura ang laging kumakalam
Maraming kababayan ang ginigiba ang tahanan
Lupang sinasaka nasa kamay ng iilan
Pinagsasamantalahan manggagawa sa pagawaan

IV
At habang dumarami mga taong naghihirap
Ang naghaharing-uri ay nagpapakasarap
Sa nakaw na yaman mula sa masang salat
Panahon na upang tayo ay mamulat, magmulat

CHORUS
Diwang palaban, dugong makabayan
Laging pasulong, at handang lumaban
Para sa kalayaan at demokrasya
Mag-aral, maglingkod, mangahas na makibaka

V
Ang estado, tila sunud-sunuran
Inuutus-utusan ng amo nitong dayuhan
Ang ating bayan kanilang ninanakawan
Hindi lang ng kayamanan kundi pati ng kalayaan

VI
Naghahasik, naglulunsad ng teroristang giyera
Sa lahat ng lumalaban at nakikibaka
Laban sa gahamang pag-aari ng imperyalista
George Bush, Uncle Sam, mga amo ni Gloria

VII
Nasan na ang sinasabing kalayaan?
Kung ang ating bansa kontrolado ng dayuhan
Sa ekonomiya at usaping pulitika
Ugnayang panlabas, maging ang ating kultura

VIII
WTO, IMF at World Bank
All-out war sa Afghan at Iraq
CIA and G.I. Joe
How many kids did you kill today, yo?

ULITIN ANG KORO

IX
Mga mag-aaral sa pamantasa’y lumabas
At sa lansangan, tumungo’t nangahas
Hindi natakot sa pulis na nandarahas
Bitbit ang paninindigan na walang kasing talas

X
Sa LFS kami ay sumanib
At doon nadama ang dakilang pag-ibig
Sa masa, sa bayang binusalan ang bibig
Buong paglilingkod sa kanila aming hatid

XI
At kami tumungo sa pagawaan
Sa komunidad at kabukiran
Nag-aral, natuto sa karanasan
Ng masang api’t pinagsasamantalahan

XII
At alam naman namin na hindi sapat
Eleksyon, reporma, lahat ito’y salat
DRB ang solusyon, ito ang nararapat!
Teorya ng MLM, sa praktika ilapat!

ULITIN ANG KORO

XIII
Ngayon, pakinggan ninyo aming tugmaan
Patungkol sa MKMP na lipunan
Mayaman ang bansa
Naghihirap ang sambayanan

XIV
Ang tatsulok ay nananatili
Iilan lamang ang naghahari
Pinagsasamantalahan ang mababang-uri
Sa lipunan ito ang ating pagsusuri

XV
Imperyalismo, Pyudalismo
Burukrata kapitalismo
Tatlong salot sa lipunang Pilipino
Kaya nagdarahop ang bayan ko

XVI

Tayo lahat bagong dugong Bonifacio
Sa kabila ng dahas, nakatayo’t prinsipyado
At ito na lamang huling paalala sa inyo
Ang karit, ang maso, dudurog sa estado

ULITIN ANG KORO (3X)

---

May I also urge you to point your browser tohttp://stealthiswiki.org, an updated, online, wiki version of Abbie Hoffman's (in)famous Yippie Bible, Steal this book.

1 komento:

Olga G. October 4, 2007 at 12:48 AM  

tangina ang habang lyrics. ano to, sinaulo? o me idiot broad? hehe.