komento

Ito ay repost ng aking komento sa studentstrike, ang blog ni Vencer, pambansang pangulo ng League of Filipino Students hinggil sa nagaganap na debate sa blogosphere sa pagitan nina Manuel L. Quezon 3rd, (sa post na ito at ito) at ni Tonyo Cruz (sa post na ito at ito).

Sa paggamit ni MLQ3 ng resulta ng nakaraang eleksyon upang masukat ang laki at lakas ng Kaliwa kumpara sa mga dominante at pangunahing partido ng bansa, nakalimutan ata niya ang konsepto ng dagdag-bawas kung saan nabiktima ang mga kaliwang partylist at tumabo ng ganansya ang mga kandidato at partido ni Gng. Arroyo. Lalo pang magiging katawa-tawa ang kanyang pagtutsa na mas malaki pa ang natanggap na boto ni Chavit kesa sa pinagsama-samang boto ng mga partylist na ito kung aalalahanin ang maruruming taktika ng administrasyon upang makakuha ng boto bukod sa dagdag-bawas tulad ng pagbili ng boto, etc. Wala akong naaalalang kaso kung saan ang mga partido mula sa kaliwa ay pinaratangang nandaya o bumili ng boto.

Kung gayon, hindi maikakaila, kahit mismo ni MLQ3 na patuloy na lumalaki ang papel na ginagampanan ng Kaliwa sa mainstream na pulitika. Wasto ang pagsabi ni Cruz na ang bukod sa pagbibigay ng "warm-bodies," makabuluhan ang kanilang papel sa pampublikong diskurso, sa pagbabago ng itsura ng mga debate, at sa pagbibigay ng alternatiba sa kasalukuyang kaayusan. Mahalagang banggitin muli na ito ay kanilang nagagawa sa kabila ng black propaganda at represyon ng administrasyon at militar.

Sa mga komento, binaggit din ni Manolo na "in retrospect, the resign all call was the correct one to make." Hindi ba't ito ay dogmatismo sa pinakapayak na depinisyon ng salita?

Una, sa pagtawag ng "resign all", ihinihiwalay mo ang isyong sarili sa mga grupo na naniiwalang patalsikin ang pangulo ngunit hindi ang lahat. Pangalawa, at lagi't lagi na ngang inuulit sa ilang mga blog ng mga progresibo, ang people power ay hindi tutungo sa matagal nang pangarap na pagbabago pagka't hindi nito binabago ang esensyal (malakolonyal-malapyudal) na katangian ng bansa.

Hindi rin naman isinasawalang-bahala ni Tonyo ang mga tumututol sa extrajudicial-killings. Ang sinasabi lamang niya, ang pagsasawalang-bahala at paglimot sa papel ng Kaliwa sa mga makabuluhang pangyayari sa bansa tulad ng EDSA dos ay tumutulong upang maipagpatuloy ang mga pamamaslang.

Salamat kung inyong kinukundena ang pamamaslang. Subalit hindi rin naman nakakatulong upang matigil ito kung patuloy na ilalagay sa margins ang kaliwa. Kung patuloy silang ikokonsiderang insignificant. Kung patuloy na sasabihin na hindi pa sila tanggap ng mamamayan kahit na ang kasaysayan na ang magpapatotoo sa kabaliktaran nito.

Huli na lamang.

Maaaring totoo ang sinasabi ni Manolo na kulang ang galit na ipinapakita ng mamamayan sa mga pamamaslang sa mga kasapi ng Kaliwa at kung gayon ay hindi pa rin sila tanggap ng publiko.

Subalit, mali na ikonsidera ito bilang ultimate na batayan sa pagtanggap ng mamamayan sa Kaliwa.

Hindi rin maikakalila na malaki ang isinusugal ng mamamayan sa pagsasalita laban sa pamamaslang - ang kanilang sariling buhay. Nagbubunga ng matinding takot ang mamamayan hindi lamang sa ilang kasapi ng Kaliwa kundi sa publiko mismo.

Dagdag pam ano ba ang hinihigi ni MLQ3 upang masabing may simpatya ang mamamayan at sila ay concerned sa mga pamamaslang? Sino ba ang kanyang "naririnig" at "nababasa?"

(Patawad sa mambabasa kung magulo. malayang paglalabas lang kasi ito ng mga naiisip at walang outline o ano pa man.)

1 komento:

Olga G. January 24, 2008 at 5:37 PM  

OT: I blog now. Again. Hay. olgaschmolga. Tsaka I post pictures of myself and other things sa multiply. sortahuman. eto na naman ako. haha.