lintik lang ang walang ganti.
Dalawang araw na akong pagod, puyat, at halos hindi makalakad o makagalaw dahil sa sakit ng tuhod, binti at balakang, tulad na rin ng iba pang kabataang aktibistang aming nakasama sa dalawang-araw ng pagkilos bilang tugon sa Education Summit 'kuno ni GMA.
Hindi simple ang gumising ng ala-sais ng umaga (lalo kung ang sanay kang ang gumigising sa iyo ay ang ingay sa labas ng bahay 'nyo dahil magtatanghali na). Pinakamahirap na bahagi ng umagang rally-day ang pagpapasyang bumangon. Isang internal na istragel ito tuwing umaga (sa isang bahagi ay ang malambot na kama, ang katamaran ng isang peti-burgis habang ang pagkilala sa responsibilidad, tungkulin at pagnanais na mag-ayos ng sarili sa kabila). Pero dahil internal ang mapagpasya, kailangan pang magsulat, mag-email at magparepro ng Press Release, malayo at traffic ang biyahe, sa kabilang bahagi ng Maynila ang venue, at inaasahan na magiging ma-aksyon ang araw, nananaig ang ikalawa. (Buti naman.)
Nabanggit ko na dito na sa biyahe pa lang, kaba na ang mararamdaman mo. Lalo 'pag bumaba ka na ng bus at nagsimulang maglakad mula Taft tungong Kalabaw (statwa ng Kalabaw pagtawid ng Roxas Blvd. mula sa monumento ni Rizal sa Luneta. Buti na lang, nakasalubong ko si Anna ng kabataan at may kasama akong maglakad (kontra-aning, kontra-boredom).
Siyempre, dahil sa ilang karanasan ko sa rally sa Roxas Blvd. (kabilang na ang US Emba mob), at dahil inaasahan ang pagdalo ni GMA sa Summit, tiyak na ang dahas. Pordat, habang naglalakad, alisin na ang relo, at iba pang laman ng bulsa.
Extra tips:
1. 'Wag magsusuot ng skinny jeans at iba pang pantalon na mahihirapan kang gumalaw. Sa babae, bawal naman ang skirt at mga damit na kinulang sa tela kung ayaw mong mawalan ng dangal nang tuluyan.
2. 'Wag magsusuot ng sapatos na madaling maalis, masyadong masikip o maluwang. Baka umuwi ka ng nakapaa.
3. Magdala ng maraming tubig, alkohol, iba pang first-aid kit. (Hindi required, pero maraming magpapasalamat sa iyo kung sakali).
4. 'Wag kakalimutan ang prop materials.
5. Maging handa.
Minsan, nanakungkot talagang makita na pagdating mo sa kitaan, ilang piraso lang kayo lalo kung medyo delikado ang rally na pupuntahan ninyo.
"Wawalisin lang tayo nito."
Pero dahil bumubukol na at hindi na kaya pang itago ang mga tibak (na pare-pareha kung manamit kaya obvious talagang tibak) upang maghintay pa ng iba...
Asembol. Sigaw. Takbo!
Pagdating sa Manila Hotel, agad ang salubong ng halos 20 pulis, dala ang shield at truncheon (ang truncheon pala ay ang batuta at hindi ang shield). Walang negosasyon. Tulak na agad. Kinukuha rin ang mga streamers at placards na aming dala para magmuka sa media coverage na kami ay mga pasayaw at manggugulo lamang. Ilang segundo ng body-to-shield at tulakan, may ilang kasamang bumigay na at tumakbo. Siyempre, kahit anong pilit mong sumigaw na "walang tatakbo," may domino effect na magaganap. Lahat na, tatakbo. Salamat na lang sa iba na nakatingin pa rin sa likod, sinisigurong walang naiiwan o nadadakip.
Takbo sa Luneta.
"Freedom park ito. Hindi na nila tayo idedesperse at huhulihin."
Akala namin 'yun.
Nang mapansin ng mga pulis na lumalaki ang bulto at nakakakuha ng media coverage, round two na ng dispersal. Mas marahas. Pumapalo na sila ngayon. Nagtatarget nung mga nakatulak nung una, o kaya nung mga maaangas. Palo lang ng palo. Mumurahin ka pa.
Takbo uli. Pero siyempre, hindi every man for himself. Makinig sa komand.
Pagdating ng Taft, casualty report.
Nahuli: anim.
Nasaktan at nasugatan: 23
Nawawala: isa (baka dinakip na hindi kasama nung anim, baka umuwi, baka nahulog sa manhole) Walang kain, at sa kabila ng mainit na sikat ng araw, rali naman sa WPD. Masaya 'to. Agit ang lahat. Naghahanap ng magagantihan.
Inalog ng mga kasama ang gate. 'E bumukas. Naku, 'di alam ang gagawin. Di naman kasi inaasahang bumukas. Wala namang kumand na pumasok at sugurin ng tuluyan ang headquarters ng WPD.
Rally uli.
Nakipag-usap maga pulis. Kung aalis daw kami, palalayain na sila. Sige. Uwi muna, kami naman sa LFS, kuha ED. Tapos, malalaman mo na lang, hindi pa pala sila nakakalaya maliban sa isa dahil under-age.
Kinaumagahan, rally uli! Una, sa Manila Hotel para sa second day nf summit. (depensibo na ang mga pulis dahil maganda ang covergae ng media sa unang rally). Kahit masakit pa rin ang buong katawan, sige lang. Ahitado pa rin. Tapos, sa WPD uli para idemand ang paglaya nung mga nahuli sa naunang rali.
Matapos ang lagpas 24 oras, lumabas na sila. Ang mga kasama, nabuhayan ng loob. Handa nang umuwi para mag-organisa at maghanda para sa isang panibagong araw ng pakikibag-buno.
---
Ang mga balita hinggil sa naganap na rali ay makikita dito, dito, dito, dito, dito, at dito. (Ung iba' parepareho ang laman. 'Yung iba naman, iba ang anggulo).
May grabbed video rin ang arkibong bayan mula sa coverage ng dos. Click dito. Para naman sa coverage ng siyete, punta dito.
---
Ito ang unang post sa Kwentong Rally na magiging serye dito sa goodbye blue monday. Hindi lahat ng rally, pare-parehas. Bawat isa ay may katangian na puwedeng ikuwento. Ang ilan, tulad ng mga naganap nitong huling mga araw, tiyak na magiging subject ng kuwentuhan sa Vinzons, sa West 115, at iba ang tambayan ng tibak. Pakitaan ng battle scars, inggitan sa mga hindi nakapunta.
kwentong rally No. 1
sabi ni
ron
Saturday, February 2, 2008
Labels: adventures in the concrete jungle , kwentong rally , LFS , pol
1 komento:
ronvil email mo sakin tong entry na to, pati yung mga links. para madali for posting. hehe. :D
Post a Comment